Sa tinola very common na ang gulay na dahon ng sili o kaya malunggay, papaya kung wala eh sayote. Bakit palaging ganun ang gulay niya, pwede naman iba di bah.?
Lalo pa ngayon nagmahal ang mga gulay, eh di kung ano ang mura iyon ang ilagay natin at least my gulay. Samahan pa natin ng saging, aba ibang klaseng tinola na yan, mas pinasarap pa.
Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa.
Chicken Tinola with Kalabasa and Saging
Ingredients:
- 1/2 kg chicken
- 1 pc kalabasa (isang hiwa lang na 10 pesos)
- 4 pcs saging saba
- 2 tali pechay
- 1 pc patola
- onion garlic and ginger
- salt and pepper to taste
- oil for sauteing
- water
- chili flakes (optional)
- 1 pc chicken cubes
Procedure:
- As usual, saute onion, garlic and ginger. Ilagay ang chicken at igisa until magbrown.
- Lagyan ng tubig at yung chicken cubes at hayaan na kumulo.
- Kapag malambot na ang chicken, ilagay na ang kalabasa at saging at simmer ng ilang minuto. Season with salt and pepper and chili flakes (if you want).
- Then add the pechay and patola. Simmer for another minutes then serve while its hot. Masarap kasi higupin ang sabaw kapag mainit, kahit na napapaso ka pa.
Simpleng simple, may sabaw at healthy pa. Marami pang gulay di ba! Hindi na ko naglagay ng konting sugar, kasi manamis namis na ang sabaw niya. Tara kain po.
Tinola mo, tinola ko, tinola nating lahat. Basta may sabaw masarap na, kasi sabaw pa lang ulam na. Yung chicken ko pala, tinatanggalan ko ng balat yan, kaya nakahubad siya hihi.
Comments
Post a Comment