Nakatikim na ba kayo ng kamansi o ugob sa amin?
Para lang siyang langka pero mas maliit, hugis bilog at kulay green. Kapag binalatan mo, may mga dagta din at sempre marami ding buto. Pero masarap din itong kainin, at meron siyang kakaibang texture o parang may after taste ang lasa pero masarap. Mas gusto ko siya kesa sa langka.
Anyway, nakakita ako sa palengke ng maraming kamansi kaya bumili ako para igata (alam mo na ako yung mahilig sa gata hihi). Mura lang naman 35 ang kalahating kilo, (sa amin sinusungkit lang yan sa bakuran ng kapitbahay), dalawang piraso ang binili ko na binalatan na, ako na lang ang naghiwa.
Magluto na ako at tanghali na.
Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa.
Ginataang Kamansi (Ugob)
Ingredients:
- 1/2 kg kamansi (ung 2 piraso na binili ko sobra sa kalahati)
- 2 cups gata (unang piga)
- 1 1/2 cups gata (pangalawang piga)
- 1/4 kg pork (cut into cubes)
- onion garlic and ginger
- sili
- 2 tbsp oil
- salt and pepper
Procedure:
- Sa isang kawali, igisa ang bawang, sibuyas at luya. Isunod ang pork at igisa. Kapag browned na ang pork, ilagay ang pangalawang piga ng gata. Simmer hanggang sa maluto ang pork.
- Kapag luto na ang pork, ilagay na ang kamansi. Lagay na ang isang cup ng gata yung unang piga, hayaan na kumulo hanggang sa lumambot ang kamansi. Ilagay ang sili, haluin at ilagay na din ang natitirang gata. Timplahan ng salt and pepper and simmer hanggang sa maluto na.
See, madali lang di bah? Bahala ka na magadjust ng ingredients kun gusto mo. Sa amin nga wala ng gisa gisa, nilagay na namin yan diretso sa kaserola, yung kamansi gata at ung bangot (halo) na kadalasan daing lang naman.
Ilabas na ang isang kalderong kanin dahil simple man ang ating ulam masarap naman lalo na pag nakakamay pa.
Comments
Post a Comment