GINATAANG PAKO' RECIPE

Nakakita ako ng pako sa palengke kanina, eh minsan lang ako makakita nito. Kaya agad agad bumili ako, para makatikim. 

Sa probinsya nakakakuha din kami ng ligaw na mga pako at sempre gata din talaga ang luto nito. Pero masarap din ito gawing salad di bah!

Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa. 


Ginataang Pako

Ingredients:
  • pako (2 tali lang ang nabili ko)
  • 1/4 kg pork (cut into cubes)
  • 1 1/2 cup gata (may kasamang pangalawang piga)
  • onion, garlic and ginger
  • salt and pepper
  • siling haba 
  • konting mantika
Procedure:
  • In a pan, saute onion, garlic and ginger. Add the pork at lagyan ng gata para maluto ang pork.
  • Kapag luto na ang pork, ilagay na ang gata, pakuluan ng konti. Season with salt and pepper na. Then ilagay na ang pako at sili. Simmer hanggang sa maluto ang gulay.
Oh ang dali lang diba. You can adjust the ingredients na lang if you want. Pang good for two lang kasi ang naluto ko hihi. 




Mas masarap sana kung alimasag ang halo nito, pero sempre masarap din naman ito. Sayang nga, sana dinagdagan ko na ang pako akala ko kasi okay na yung dalawang tali lang. 

Kain po tayo ng simpleng ulam lang pero masarap. 


Comments