BILO-BILO/GINATAANG HALO-HALO RECIPE

"Rainy days and mondays, always get me down!"

Mapapakanta ka na lang dahil sa ulan. Kapag umuulan pa naman, bakit ganun ang sarap kumain at mamaluktot sa kama. Haisst!

I wanted to share my merienda recipe that I made few days ago na. Its very simple, pero masarap talaga. This is one of my favorite merienda before in the province. But, same sila pero sa probinsya wala siyang bilo-bilo, lahat rootcrops lang and gata. So hindi talaga bilobilo ang tawag sa kanya, kundi ginat-an lang. Sa province kasi kelangan mo pang magpagiling ng rice sa bayan, eh mostly kasi mga rootcrops lang ang available kaya yan na lang ang niluluto.  

I really don't know kung saan originated talaga ang bilobilo. At bakit bilobilo ang tawag, dahil siguro sa mga bilog na rice flour (yung rice flour naman na bilog ay hulog-hulog ang tawag sa amin kasi hinuhulog siya sa gata with sugar din, masarap din siyang merienda at agahan).

Kaya pagsamahin natin sila, ang ginat-an at hulog-hulog naging ginataang halohalo or bilo-bilo.

Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa. 

Ginataang halo-halo/Bilo-bilo

Ingredients:
  • gata (about mga 3-4 cups, depende sa dami ng ingredients nyo o kung gaano kadami ang lulutuin nyo)
  • 1 cup of glutinous rice flour (make a rice balls, by adding water and then form into tiny balls)
  • 2 pcs camote 
  • 2 pcs gabi
  • 5 pcs saging saba
  • sago (buy na lang sa palengke ng 5 pesos)
  • langka 
  • 1pc kamoteng kahoy (cassava)
  • sugar
  • anis (kung wala vanilla na lang)
  • a pinch of salt
Procedure:
  • In a pot, put the gata and bring to boil. Continue stirring lang para hindi magbuo ang gata. 
  • Slowly add the rice balls. Kapag lumitaw na sila, ibig sabihin luto na. 
  • Then add camote, gabi, kamoteng kahoy and saging. Kapag medyo luto na, ilagay na ang sago at langka and a little bit of vanilla.
  • Timplahan ng sugar and a pinch of salt. 
  • Ilagay sa mangko at kumain na. 
Di ba, ang dali lang, meron ka ng masarap na merienda. Pwede mo din dagdagan ng ube (hindi kasi ako makahanap ng ube eh), at yung camigin (rootcrops din sa amin na hindi ako makakita dito, super sarap niya kasi pino siya at malinamnam ang lasa.)



Masarap kainin habang mainit-init pa at nakatanaw sa bintana habang pinagmamasdan ang patak ng ulan. At nakikinig ng music sa radio, tapos sa labas makikita mong may mga batang tuwang tuwang naliligo sa ulan. 




Ang simpleng pagkain ay mas lalong sumasarap kapag kasalo ang mga mahal sa buhay. 




Comments