CHICKEN EXPRESS WITH SITAW RECIPE

One of the best dishes na maipagmamalaki ng bikol ay mga  "gulay na may lada". Uso kasi doon ang magluto ng gulay na maraming sili, dahil siguro sa dami ng siling nakatanim. And one of them is bicol express, pero ang bicol express ay ipinangalan lang sa train na bumabiyahe from manila to bicol.

Basta may gata at sili solved na ang pagkain. Lalo na hindi ito nawawala sa mga handaan pati na sa inuman. Sabi nga nila, mas maanghang mas masarap.

I don't really like spicy food before, ewan ko ba kung bakit? Kasi nga maanghang di bah? But now! Oh, I love spicy food, kahit sa instant noodles na pancit canton ay spicy at kalamansi ang flavor na paborito ko, pero sempre alam naman natin na lahat ng sobra ay nakasasama kaya dapat in moderation lang. 

Hindi naman ako palaging nagluluto ng spicy food, and yung level ng spicyness ko is mild lang. When I cooked, I always add 1 pc of sili, just to balance the taste, but it depends naman sa recipe na niluluto ko. This day, I decided to cook Chicken Express with Sitaw, para maiba naman at hindi palaging pork. I add sitaw para may gulay. So, I wanna share to you my simple recipes for this one. 

Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa. 


Chicken Express with Sitaw 

Ingredients:
  • 1/2 kg chicken breast (cut into maliliit na pieces)
  • 1 tali sitaw
  • 1 and 1/2 cup gata 
  • 1 tbsp bagoong (I used kamayan spicy bagoong)
  • 2 pcs siling labuyo (chopped)
  • 2 pcs siling green (chopped)
  • 1 tbsp vinegar
  • onion, garlic and ginger
  • a pinch of sugar
  • salt and pepper 
Procedure:
  • Saute onion, garlic and ginger. Add the chicken at igisa lang. 
  • Then add the bagoong  and the gata. Ilagay na din ang vinegar. 
  • Let is simmer hanggang maluto ang chicken. Kapag nagboil haluin mo para hindi magbuo buo ang gata.
  • Then add the sili (depends on you kung hanggang anong level ng anghang ang kaya mo, dagdagan mo na lang ang sili) and sitaw. 
  • Season with salt and pepper and sugar. Simmer for another 3 to 5 minutes.
  • Then serve with rice.
Kainan na habang nakakamay at nakataas ang paa (don't bother lahat naman siguro tayo kumain na nakataas ang paa).




The only problem for this kind of ulam is kelangan talaga ng unli rice. Masisira ang diet mo kapag ganito ang ulam mo. At hindi rin naman masarap na papakin mo na lang, I'm sure kukuha ka din ng rice. 

Simpleng pagkain na napakasarap lalo na kung ikaw ay mahilig sa maanghang. Oh, pulutan na din ito.! 





Kahit simple lang ang pagkain basta masarap ang pagkakaluto ay daig mo  pa ang kumain sa mamahaling restaurant. 


Comments