GINATAANG MALUNGGAY RECIPE

Naalala ko nung bata ako sa probinsya, may puno kami ng malunggay kaya kapag walang ulam ay sigurado yun ang ulam, kelangan lang ng niyog solve na. At minsan naman nauubos sa hingi (alam mo na sa probinsya uso ang hingi, kaya kapag ikaw na ang magluluto wala ka ng mailuto kasi naubos na sa kakahingi di bah).

During my college days din, inuulam din namin ito kapag nagsawa na kami sa pancit canton at sardinas na ulam, mabuti na lang may tanim ang landlady namin kaya nakakahingi kami, hati hati na lang sa pagbili ng gata. Hay, buhay estudyante noon.!

I did not realize before na sobrang healthy pala ang malunggay. Tinatawag nga itong miracle tree sa dami ng nutrients nakukuha dito. Kaya nga ang daming products ngayon na may sangkap na  malunggay. 

Once a week, ay nagsashake ako ng  malunggay kaya lagi akong bumibili dito. Susme, 10 pesos ang isang tali at konti lang, ilang tangkay lang, samantalang sa probinsya kung bibili ka din naman 5 pesos lang marami na ikaw pa ang kukuha. 

Hindi ako nagrereklamo dahil iba na talaga ang panahon ngayon kesa noon, at talagang nagmahal ang lahat ng bagay. Wala eh, we need to eat healthy ika nga. At dahil nagreminisce talaga ako ng mga bagay, I decided to cook ginataang malunggay para sa tanghalian namin. 

Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naayon sa aking panlasa.


Ginataang Malunggay

Ingredients:
  • 2 tali malunggay (10 pesos each)
  • 1 1/2 cup gata (1 unang piga and 1/2 cup pangalawang piga)
  • dried dilis (panghalo, mas masarap kung tinapa, eh wala akong makitang tinapa kaya dilis na lang)
  • onion and garlic
  • salt and pepper
  • sili (optional)
Procedure:
  • Place the gata in a pan. Add the onion and garlic and let it simmer. Continue stirring para hindi magbuo buo ang gata.
  • Add the dilis or tinapa. Season with salt and pepper.
  • And then add the malunggay and let it cook.
  • Serve with rice. 
Super simple, super bilis, no need to saute. Just put in a pan and then cook. If you love gata dishes, I am sure magugustuhan nyo din ito. Healthy, simple and yummy ulam.




Simpleng ulam pero hitik sa sustansiya.

Mas masarap kumain kapag may kasamang pagmamahal ang pagluluto, kahit na tuyo pa yan. 


Comments