Nakatikim na ba kayo ng ginataang santol..?
Hmmm, I'm very sure na kung taga bikol ka eh siguradong nakatikim ka na nito. It is one of our specialty in our provinces, especially we have abundant trees of santol. Lalo na sa lupa namin sa bundok, maraming puno ng santol dun. Ikaw na lang ang magsasawa kakakain.
Dito sa siyudad, may ginto yata ang santol eh sa mahal ng presyo. Kung pwede nga lang buhatin ang puno sa probinsya at itanim dito, ginawa ko na hahaha.
Maraming pwedeng gawin sa santol, papakin with salt, gawing candy o minatamis na santol, isahog sa sinigang at lalo na gawing gulay. It is a very simple dish yet super delicious, kasi nagaagaw ang lasa ng asim at lasa ng gata sa dish na ito. Kaya kung hindi ka pa nakatikim, naku magluto ka na at siguradong magugustuhan mo ito.
Ilang araw ko ng iniisip na magluto nito, at yesterday ay nagawa ko na. Hindi kasi bagay ang mga niluluto kong ulam sa ginataang santol kaya pinagpapaliban ko muna. Masarap kasi itong partner ng pritong isda o kaya inihaw na baboy. Yummy, gutom na kayo noh.?
Magluto na tayo.
Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa.
Ginataang Santol
Ingredients:
- 1 kg santol
- 1/4 kg pork (I wanted to used tinapa but unfortunately wala akong mahanap na tinapa kaya pork na lang)
- 2 cups gata (unang piga)
- 1 cup gata (pangalawang piga)
- 5 pcs green sili
- 2 pcs siling labuyo
- 1 tbsp bagoong
- 1 tsp sugar
- onion and garlic
- salt and pepper to taste
Procedure:
- Peel the santol and then put in a pot with salt and water.
- Chop thinly, set aside the seeds (kakainin ko pa yan).
- Boil the santol for 10 minutes (start counting once it is started to boil na para mawala ang asim, sempre hindi yan mawawala talaga pero at least mabawasan man lang).
- Then salain para matapon ang water.
- In a pot, put in the pork and the gata ung pangalawang piga.
- Then add the onion and garlic.
- Once the pork is cooked, add the bagoong.
- Add the santol. And a part of gata (unang piga).
- Season with salt and pepper and sugar.
- Put in the sili and let it boil.
- Add the remaining gata and cooked until its done. Mas masarap yung medyo nagmamantika na ang santol.
- Serve with rice and fried fish. Sarap....
See, super easy pero super sarap na ulam. Lalo na kung ilagay mo ito sa dahon ng saging tapos nakakamay ka pang kumain, ay naku galit galit muna ha.!
Ang pagkain kahit na super simple lang basta may kasamang pagmamahal ay mas lalong sumasarap.
Comments
Post a Comment