NILAGANG PORK BUTO-BUTO RECIPE

Sa panahon ng tag-ulan, mas naapreciate ko ang mga ulam na may sabaw, dahil talaga namang napakasarap humigop ng sabaw kapag umuulan di bah?

One of our dishes na hindi pwedeng mawala kapag medyo malamig ang panahon ay nilaga, aside from sinigang na palaging present  sa ating hapagkainan anytime. Nilaga is a very simple soup dish, na madaling iluto. Usually pork, beef, fish or even chicken ay pwedeng ilaga (kahit anong gusto niyo). But my favorite is pork buto-buto (sempre ung may kasamang laman noh). 

I wanna share to you my simple recipe of nilagang pork buto-buto.

Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, basta tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa. 


Nilagang Pork Buto-Buto

Ingredients:
  • 1kg pork butobuto (piliin nyo ung may laman at hindi puro buto lang para hindi naman kayo lugi)
  • 2 medium potatoes (cut into four)
  • 1 large carrots 
  • 4 pcs saging na saba (cut into half)
  • baguio beans (konti lang)
  • repolyo (half lang)
  • baguio pechay (optional, pwedeng wala)
  • 1 pc knorr pork cubes
  • 3 pcs onion
  • garlic
  • chili flakes (depends on you kung gaano kaanghang gusto niyo)
  • fish sauce
  • salt and pepper 
  • 5 to 7 cups of water (you can always adjust depends on your cooking)
  • 3 tbsp vegetable oil
Procedure:
  • Wash the pork through running water, and then ibabad ng konti sa water para mawala ang mga dugo. 
  • In a pot, Saute onion and garlic. Add the pork and then saute until browned (ginigisa ko ang pork para hindi siya malansa).
  • Kapag browned na at wala ka  ng makitang dugo, add the water and let it boil in a medium fire. Don't cover it para makita mo kapag magboboil na siya, alisin ang mga bula kasi dumi yan. 
  • Season with fish sauce and pepper and knorr cubes. Cover and let is simmer for almost 1 hour para lumambot ang pork. 
  • Once the pork is malambot na, add the carrots, potatoes and saging. Lagyan na din ng chili flakes, and let it cooked. Then next na the other vegetables. Season again with salt and additional pepper kapag medyo matabang pa. Then serve. 

Oh di ba, meron ka ng masarap na ulam, may kasama pang gulay. I add chili flakes kasi para may sipa ang sabaw pag humigop ka na at mas nagpapasarap pa ito lalo na kung mahilig ka sa maanghang.




Best sawsawan for this is patis, kalamansi and sili. Sometimes, I also like to sawsaw this sa knorr seasoning, patak patak lang. 



And this dish is best paired with fried fish especially galunggong. 


Tara na at kumain, habang pumapatak ang ulan sa labas.



Hindi man maganda ang photo ko, pero nasa lasa ng pagkain yan at hindi sa picture. Umuulan kasi at madilim kaya ganyan. 

Ang pagkain na simple kapag may kasamang pagmamahal ang pagluluto ay siguradong daig nyo pa ang kumain sa isang mamahaling restaurant. Wala talagang tatalo sa lutong bahay. 


Comments