PORK IGADO RECIPE

Igado is one of the popular Ilocano dish made from pork meat, liver, other internal organs like kidney, heart and intestines. It is derived from the spanish term "higado" which means liver. Kaya dapat hindi mawala ang liver sa dish na ito. 

In our province, nakakatikim lang kami ng Igado during fiesta, kasi nagkakatay kami ng baboy. So, lahat ng parte ng baboy naluluto. Yung mga lamang-loob ay hinahalo sa dinuguan at igado.

I like Igado, because it has a similar taste of adobo and menudo (so pag pinagsama ang adobo at menudo, igado ang kalalabasan?engg!) ah basta, masarap siya. 

Once in a while, I cooked igado kapag feeling ko gusto namin kumain ng mga Ilocano dish. Aside from laswa or dinengdeng, first favorite ko ang igado. 

I don't want to add internal organs kasi hindi ko alam kung paano sila lilinisin, kaya nagstick lang ako sa liver and pork meat. And sa dami ng version nito, I wanna share to you my simple version of this dish. Tara, lets cook na. 

Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, basta tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa.


Igado Recipe

Ingredients:
  • 1/2 kg pork kasim with konting liver 
  • 1 medium carrots 
  • 2 small potatoes
  • 1 can liver spread (small)
  • 1 garbansos (sachet lang)
  • 1 pc bellpepper
  • 4 tbsp soysauce
  • 4 tbsp vinegar
  • 3 cups of water
  • 2 pcs sili (optional, kung gusto mo lang ng maanghang)
  • 2 pc bayleaves
  • 1 tsp sugar
  • onion, garlic and ginger
  • salt and pepper 
  • 2 tbsp oil
Procedure:
  • Saute onion, garlic and ginger. Add the pork meat at isangkutsa, until yung parang toasted na ang meat at wala ng sabaw. Add the liver and saute hanggang magbrown.
  • Then put in the water. Idagdag na din ang vinegar, soysauce and season with salt and pepper (konti lang para adjust na lang ng taste later). Let it simmer para maluto ang meat at mareduce ang water.
  • After 25 to 30 mins, add the liver spread. Isunod na din ang carrots and potatoes, sili and bayleaves and sugar. Then simmer uli hanggang sa maluto sila. 
  • Once cooked, add the bellpepper. And serve with rice. 
I love to add ginger in my dish para pampatanggal ng lansa. You can always adjust kapag matabang pa ang timpla mo, pero kapag nasobrahan na mahirap din iadjust. 



 My version of this dish, #Igado.



Kahit simple lang ang pagkain, kahit konti lang ang ingredients basta masarap ang pagkakaluto ay daig mo pa ang kumain sa restaurant. 

Comments