PORKCHOP STEAK/BISTEK RECIPE

I don't usually cook porkchops kasi most of the time, fried lang ang masarap na luto sa kanya. Kaya mabilang sa daliri ko kung bumili ako ng porkchop. 

But, apparently these past few days nagcrave ako ng porkchops pero I don't like fried. Gusto ko ng bistek, eh normally ang bistek is baka di ba? Eh, mahal ang baka tsaka ayaw ko kasi mas mataba ang baka kesa sa pork. Kaya, I go for porkchop...! Matry nga natin.!

First time ko magluto ng steak na porkchop. And I hope sana maging successful din ito hahahah. This is my version of bistek na hindi baka kundi porkchop ang bida. 

Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa. 


Porkchop Steak

Ingedients:
  • 6 pcs porkchop
  • 5 pcs sibuyas na puti (medium size lang)
  • 12 pcs kalamansi (kalamansi juice)
  • garlic (isang buo), onion
  • 5 tbsp soysauce
  • 1 tbsp oyster sauce
  • 1 tbsp sugar
  • salt and pepper
  • chili flakes (depends on you kung gaano kaanghang)
  • 2 tbsp vegetable oil
  • slurry (pinaghalong cornstarch at tubig, depends on you na lang kung gaano kadami)
  • water (about mga 1/2 cup, pwede mo din dagdagan)
Procedure:
  • In a bowl, ilagay ang porkchop. Add the soysauce, oyster sauce, kalamansi juice, garlic, sugar, a little bit of salt and pepper. Marinate them for about 1 hour. 
  • In a pan, saute onion and garlic. Idagdag ang porkchop at hayaan na maprito ng konti. 
  • Add the marinated sauce and water. And simmer until it is cooked. 
  • Timplahan uli at ilagay na ang chili flakes. 
  • Once the porkchop  is cooked. Add slurry. Then lastly the sibuyas na puti. And serve. 
You can adjust the ingredients if you want, kung ano ang panlasa mo. Sa pagluluto naman, pwede kang magadjust depende sa kung ano ang gusto mo. 

I want the sibuyas na hindi masyado luto para crunchy siya. And the chili flakes para may extra anghang. 




Wala pa rin tatalo sa mga pagkain na lutong bahay na ikaw mismo ang nagprepare para sa iyong pamilya. Mas simple mas masarap, ika nga.



Comments