One of our favorite ulam talaga is adobo. When we ask people, "what is your favorite ulam" always talaga "adobo" ang sagot nila. Kasi ba naman, saan ka ba nakakita ng ulam na habang tumatagal lalong sumasarap di bah!
Kahit araw araw kaya kong kumain ng adobo, pero dai ang cholesterol kaya ingat ingat din noh! Sabi nga nila, eat in moderation para iwas sakit.
Aside from pork, lahat pwede ng lutuin na adobo. But sempre, nangunguna pa din ang pork and chicken, masarap kasi sila. But I also love to cook adobo using fish (galunggong).
Oh, ha! Noon ang sabi nila pagkain lang daw ng mahirap ang galunggong kasi mura lang sila, pero ngayon mga besh sobrang mahal na nila. At I'm sure pati mayayaman kumakain ng galunggong (sana tama ako hehe). Ang sarap naman kasi niya.
I wanna share to you my adobong galunggong recipe. Mga besh, grabe ang bili ko sa gg 110 pesos at 4 pieces lang siya ha. Imagine that! Ang mahal na niya.!!
Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa.
Adobong Galunggong
Ingredients:
- 4 pcs galunggong
- onion, garlic and ginger
- 3 tbsp vinegar
- 3 tbsp soysauce
- 3/4 cup water
- 1 tsp sugar
- 2 pc laurel leaves
- sili labuyo (or chili flakes)
- salt and pepper
Procedure:
- In a small bowl, combine the water, vinegar, soysauce, sugar, salt and pepper and the sili or chili flakes. Set aside.
- Fry the galunggong.
- In a pan. Saute onion, garlic and ginger.
- Add the galunggong and then pour the sauce. Let it simmer.
- Don't mix para hindi madurog ang isda. Pwede mo siya baliktarin ng isang beses lang once na nagsisimmer na siya para macover din ng sauce ung kabilang side ng fish.
- Season with salt and pepper. And simmer until cooked.
- Then serve.
Super bilis lang niya, tapos ka na agad.
And this is my adobong galunggong. Hindi kaaya-aya ang picture kasi natuklap ang balat nung isa pagfry ko, pero masarap siya. You can add more sili if you want maanghang. 1 sili labuyo lang kasi ang nilagay ko at wala akong chili flakes eh.
Simple man ang ating ulam kung masaya ka naman habang ito ay niluluto ay siguradong pagkasarap-sarapa ang kalalabasan niyan.
Comments
Post a Comment