ADOBONG SITAW WITH PORK RECIPE

Adobo is life talaga, kahit anong klaseng adobo ay talaga namang hindi nakakasawa. Pero sempre hinay hinay lang tayo para iwas sa cholesterol. Ito ang pagkain na habang tumatagal ay lalong sumasarap noh.!

Sa probinsya, favorite namin lutuin ang adobong kangkong na kinukuha lang namin sa palayan at adobong sitaw na pinipitas din sa bakuran. Kahit walang halong karne ay okay na, mas masarap pa nga dahil sariwa ang mga gulay. 

Ilang araw na ko naghahanap ng adobo kaya naman naisipan ko magluto na lang, hinaluan ko na lang ng gulay para tipid na. Isang ulam lang pero may kasama ng gulay di ba! Budget recipes tayo ngayon at wala pang sahod. 

Notes: My cooking  doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa. 


Adobong Sitaw with Pork

Ingredients:
  • 1/2 kg pork (cut into cubes)
  • 1 tali ng sitaw
  • onion, garlic and tomatoes
  • 2 to 3 tbsp vinegar
  • 3 tbsp soysauce
  • 1 tbsp oyster sauce
  • salt and pepper
  • a pinch of sugar
  • water
  • sili green (optional)
Procedure:
  • Cut the sitaw about mga 1 inch ang haba.
  • In a pan, saute onion, garlic and tomatoes hanggang sa madurog ang tomatoes at lumabas ang aroma niya. Add the pork at igisa until browned. 
  • Lagyan ng tubig at pakuluan ng mga ilang minutes. 
  • Then add the soysauce, vinegar, oyster sauce, salt and pepper and a pinch of sugar. Let is simmer until the pork is cooked. 
  • Once the pork is cooked, add the sitaw and the sili and simmer until the veggies is cooked.  
  • Then serve na with rice. 

Di ba ang dali lang lutuin, pero mapaparami ka ng rice nyan. 

Sa mahal ng mga bilihin ngayon kelangan natin maghigpit ng sinturon, kapag magluto ng ulam sahugan na natin ng gulay para tipid na sa gas, isang lutuan na lang pero may gulay naman di ba.




Kahit na simple lang ang ating niluluto dapat masarap pa rin at masustansiya, para mas ganahan kumain ang ating pamilya. Simpleng ulam pero masarap. 




Comments