Kumakain ba kayo ng dinuguan? Hindi ba kayo nandidiri sa dugo?
Ako, favorite ko ang dinuguan kapag fiesta sa probinsya namin dahil ito ang kadalasan ulam kapag bisperas ng fiesta kasi nagkakatay ng baboy, kaya ung mga laman loob dinuguan palagi ang luto. Pero hindi ako bumibili ng dinuguan sa mga carinderia, kasi hindi ko sure kung talagang malinis siya.
Dati din, ayaw ko magluto nito kasi nandidiri ako sa dugo eh. Pero napilitan ako matutong magluto nito, kasi gusto namin kumain eh. Yung version na niluluto ko ay bikolano version, as usual may gata.
I wanna share to you my version. Hindi naman siya komplikado lutuin, pramis.!
Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa.
Dinuguan (Bikolano style)
Ingredients:
- 1/2 kilo pork plus blood (kasim ang binibili ko)
- onion garlic and ginger
- bayleaves
- 1 pc gabi
- 1/2 or more vinegar
- 2 cups gata
- siling green
- salt and pepper
- a pinch of sugar
- water
Procedure:
- Salain mo ung blood para wala siyang buo buo at ihalo ang vinegar.
- In a pan, saute onion, garlic and ginger. Then add the pork at igisa hanggang sa magbrown na (mas maganda kung medyo matusta para medyo crispy).
- Add 1 cup of gata and water. Let it boil para lumambot ang pork.
- Kapag malambot na ang pork, ilagay mo na ang gabi. Then the blood, haluin.
- Let is simmer hanggang sa maluto ang blood.
- After a while, add the remaining gata, bayleaves and sili.
- Season with salt and pepper and a pinch of sugar.
- Simmer until it is cooked.
- Then serve with rice or puto, whatever you like.
Mas gusto namin ang hindi masabaw na dinuguan, but it depends naman sa inyo kung gusto niyo ng medyo masabaw or hindi.
Sa probinsya, masabaw ang dinuguan kasi sempre maraming kakain eh, para magkasya di bah!
Ibang klase man sa paningin nila, pero napakasarap.
Yung gabi is optional lang naman, pampadami lang at para may makagat kang ibang panlasa hindi ung purong karne lang. Pero mas masarap ang dinuguan kapag mga laman loob ang halo niya.
Pwede din na walang gata, its up to you. Iba ibang version naman ang makikita at matitikman mo mula sa ibang lugar.
Comments
Post a Comment