GINATAANG PUSO NG SAGING RECIPE

Bilang isang probinsyana, paborito ko talaga lahat ng pagkain na may halong gata. Noon kasi halos araw araw eh may gata ang ulam namin sa dami ng niyog, at magsawa ka din sa buko. 

Pero ngayon, susme ang mahal ng buko 35 pesos na at pag december 45 pesos. Samantalang sa probinsya, sungkitin mo lang may makakain ka na. 

Namalengke ako kanina at marami akong nakitang puso ng saging ha, infairness baka naglaglagan na dahil sa habagat. Kaya naman naisipan kong bumili ng isa lang 38 pesos at iluluto ko siya ng ginataang saging, probinsya style. Daing na dilis lang ang hinalo ko, kasi ilang araw na kaming puro karne eh. 

Super simple lang ang pagluto nito, katulad ng ibang niluluto ko hindi kumplikado. Kaya tara samahan nyo akong magluto ng ating ulam. 

Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa. 


Ginataang Puso ng Saging 

Ingredients:
  • 1 puso ng saging
  • 2 to 3 cups gata (may halong pangalawang piga) 
  • daing na dilis
  • onion and garlic
  • a pinch of sugar
  • salt and pepper
  • siling haba
Procedure:
  • Tanggalin or balatan ung puso ng saging hanggang sa makita mo yung kulay puti na puso kasi yun ang niluluto.
  • Hinalo ko din pala ung bulaklak niya, tanggalin lang ung parang posporo kasi sayang.
  • Hiwain ng maninipis at ilagay sa bowl. Lagyan ng salt at lamasin hanggang sa magtubig para mawala ang dagta niya or ung pakla ng puso ng saging. Pigain.
  • In a pan, ilagay ang puso ng saging at pangalawang piga ng gata. Then add the onion and garlic. Let it simmer.
  • Kapag nagsimmer na, ilagay ung daing, another gata at sili. 
  • Pakuluan uli. 
  • Season with salt and pepper and a pinch of sugar. Let is simmer hanggang sa maluto na ang gulay. 
  • Mas masarap sya kapag ung naglalangis na ang gata niya. Then serve with rice. 

We need extra extra rice for this one....




Super simpleng ulam at luto, no need to saute at kahit walang masyadong halo masarap pa din ang kinalabasan.




Mas simple mas masarap, basta masaya ka habang niluluto ang pagkain, kahit ano pa yan. Mas masarap kumain kapag may halong pagmamahal ang pagluluto.

Comments