MONGGO WITH CHICKEN AND KALABASA RECIPE

Its monggo day for us, and its friday (actually nung friday ko pa ito niluto). Bakit ba palaging monggo ang ulam pag friday? Di ko din alam hahaha.

Kahit ano pwede mong ihalo sa monggo it depends kung ano ang gusto nyo. I love monggo, pero once or twice a month lang ako magluto nito. 

I wanna share to you my other simple recipes of monggo. Simple lang din ito at hindi kumplikado lutuin. 


Tip lang, para mabilis maluto ang monggo ibabad mo na siya sa water ng magdamag or kahit mga ilang oras lang bago ka magluto para hindi na siya matagal lutuin. 

Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa. 


Monggo with Chicken and Kalabasa

Ingredients:
  • 3/4 to 1 cup of monggo 
  • 1/2 kg of chicken (cut into desired cut)
  • 1 slice of kalabasa (di ko tinanggal ang balat kasi nasa balat ang sustansiya, 10 pesos lang)
  • 2 tali malunggay
  • onion, garlic, tomatoes and ginger
  • 1 chicken cubes
  • salt and pepper 
  • a pinch of sugar
  • water (depends kung gaano karaming sabaw gusto mo)
  • 2 tbsp canola oil 
  • 3 pcs siling haba
Procedure:
  • In a pot, saute onion, garlic, ginger and tomatoes. 
  • Add the chicken and saute until magchanged ng color. Then add the monggo and water at ung knorr cubes. Let is simmer hanggang sa maluto ang monggo and chicken. 
  • Once cooked, add the kalabasa and sili.
  • Season with salt and pepper and a pinch of sugar. 
  • Lastly add the malunggay and then serve. 

Oh di ba, ang dali lang meron ka ng masarap at healthy na ulam na kasya na hanggang mamayang gabi. 

Ang partner nito ay daing na galunggong at pritong tilapia. Basta may sabaw palaging fish ang pinapartner ko para magkaiba ang lasa niya. 




Tawagin na ang pamilya at sabay sabay na tayong kumain. Masarap lantakan ang ulam na simple pero napakasarap naman sa panlasa. 



Comments