PORK SINIGANG SA SANTOL RECIPE

Its time for me to go to palengke today, alam mo naman buhay kusinera haha. Wala akong maisip na ilutong ulam eh, kaya bahala na si batman kung ano ang mabili ko sa palengke. 

In fairness to batman, nasagot agad niya kung anong ulam ang iluluto ko. Guess what...kung ano ang nakita ko..?

At the sidewalk, nakita ko ang mga santol eh ang mura na, imagine 20 pesos na lang per kilo, (whatttt!!! sabi lang ng utak ko hihi) kaya samantalahin na di ba! Agad agad bumili ako ng isang kilo lang naman (akala  nyo pinakyaw ko na noh!).

Hmm, and then naisip ko naman "ano ang lulutuin ko na may santol, eh kakaluto ko lang ng gulay na santol the other week" baka magreklamo na ang amo ko. Isip isip na naman tuloy ako..! Di pa pala ako nakaluto ng sinigang sa santol, kaya iyon ang naisip kong lutuin ngayon. 

Tara nga, at ng masubukan ang santol na yan. Ang power ng santol. Bow...! P.S. Ano ang english ng santol..?

Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa. 


Pork Sinigang sa Santol

Ingredients:
  • 1/2 kg pork liempo
  • 1 kg santol (about mga 5 pieces)
  • 1 tali mustasa
  • 2 pcs talong
  • 1 tali sitaw
  • 1 tali okra
  • 6 cups of water (or gusto nyo mas madaming sabaw, dagdagan nyo pa)
  • onion, garlic, tomato and ginger
  • 2 green sili
  • 2 tbsp canola oil
  • chili flakes (optional)
  • salt and pepper 
  • a pinch of sugar
Procedure:
  • As usual, balatan ang santol at tanggalin ang mga buto (kakainin ko yan with salt) and cut into pieces. Set aside (or pwedeng ilagay sa water with salt para hindi umitim, pero puputi din naman yan kapag hinalo mo na sa soup).
  • In a pot, saute onion, garlic, tomatoes and ginger (mas gusto ko ginigisa muna ang sinigang para bawas sa lansa, but its up to you kung ano ang process mo).
  • Add the pork and saute until browned. 
  • Add the water and the santol (isabay na ang santol habang nagsisimmer ang pork para lumabas ang asim niya). Let it simmer until the pork is tender and cooked. 
  • Season with salt and pepper and a pinch of sugar. Add the chili flakes na din ( I add chili flakes para mas masarap siya, may konting sipa ng anghang).
  • Next add the sili and  the vegetables, and simmer until cooked na. Then serve  na with rice. 
Hindi siya masyadong maasim katulad ng sampalok, pero masarap siya. Kakaiba ang lasa niya.




I usually partnered my sinigang soup with fried fish, para magkontra ang lasa niya. Best partner in crime hahaha, lagi silang together forever. Kayo, ano ang madalas partner nyo sa sinigang..?




Ang pagkain ay mas lalong sumasarap kapag masaya ka habang ito'y niluluto. Sabi nga nila kapag nakasimangot pangit ang lasa ng pagkain. Kaya dapat laging nakangiti kahit simple lang ang lulutuin natin. 




Comments