PORK SISIG RECIPE (WITHOUT SIZZLING PLATE)

Ilang araw na ako nagcacrave ng dinakdakan, yung Ilocano dish na palagi kong binibili sa carinderia dati. Kasi sarap na sarap ako sa lasa niya na medyo maasim, na maanghang. Para siyang pangontra sa mga mamantika na kinain mo. 

And so I decided na magluto nito. I just used pork kasim, kasi sa ilocano ang main ingredients niya is tenga ng baboy, liver at iba pa. Eh, ayaw ko ng tenga. 

And let's start cooking. 

Pero ito na nga, hindi dinakdakan ang kinalabasan ng niluto ko. Gusto niyo malaman kung bakit.? 

Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa. 


Pork Sisig w/o sizzling plate

Ingredients:
  • 1/2 kg pork kasim
  • garlic, pepper and patis
  • 1 tbsp knorr liquid seasoning
  • 2 pcs sili green
  • 2 pcs sili labuyo (you can add more if you want)
  • 3 tbsp mayonnaise
  • 3 tbsp vinegar
  • onion, garlic and ginger
  • water
Procedure:
  • In a pot, ilagay ang water, pork, garlic, pepper and patis. Let it boil for about 45 minutes or until the pork is cooked na.
  • Once the pork is cooked, tanggalin ang sabaw. Then grill the pork or pwede din ibake if wala kayong panggrill (I grilled my pork sa happy cook, pero parang naprito lang siya tuloy kasi lumabas lahat ng mantika niya haha)
  • Slice the grilled pork into maliliit na strips lang. 
  • In a pan, saute the onion, garlic and the ginger. Add the pork. Then add the sili, and the vinegar. Let is simmer for a minutes. Lastly add the mayonnaise (mind you, natunaw ang mayonnaise niya). 
  • Then serve. 

See, naging sisig siya kasi natunaw ang mayonnaise. And saka ko lang nalaman sa partner ko na wala palang mayonnaise ang dinakdakan kundi atay na dinurog pala, at para lang siyang kilawin na pork. But in fairness, napasarap din siya. 





Masarap siyang iulam pero mas masarap siguro siyang maging pulutan. 

But in all fairness to me, hindi naman naging palpak ang pagexpirement ko. I really love kasi mga ilocano dishes eh, kaya gusto ko matutunan at makain mga food nila. 




Wag tayong matakot na magexpirement sa kusina kasi minsan mas napapasarap pa ang luto natin ng wala tayong sinusunod na recipe. Lahat naman tayo may kanya kanyang paraan at recipe na niluluto para sa ating pamilya. 


Comments