RAINY DAYS BUDGET ULAM

Its raining again, ilang araw na hindi tumigil ang ulan dahil sa habagat kaya naman napakasarap kumain at mamaluktot sa kama di ba.? Halos dalawang beses din ako magkape kasi malamig. 

But kahit umuulan need ko pumunta ng palengke kasi wala akong lulutuin na pagkain namin. At sempre kelangan natin ng may sabaw na ulam para mas masarap! But I also want fried fish, talong etc etc. 

I went to the market with a 500 pesos budget. And this is what I bought:

Spareribs for 130 pesos (hindi ko alam kung kalahating kilo ba o kulang, basta konti lang ang binili ko)
1/2 cabbage for 25 pesos
1 corn for 10 pesos
2 pcs saging na saba for 6 pesos

I cooked this for nilagang spareribs. I just add siling haba, onions and garlic, salt and pepper. 

I also bought 2 pcs tilapia for 60 pesos, para sa prito. 

And 6 pcs okra for 10 pesos, and 2 pcs talong for 45 pesos. Grabe ang mamahal ng mga bilihin ngayon noh! 

Nilaga ko ang okra and then the talong is fried. 

Bumili din ako ng isang kilong mangosteen for 100 pesos. Kahit na mahal bumili pa din ako, kasi favorite ko eh at yun ang dessert namin. 

So all in all nasa 386 pesos ang napamili ko. Yung mga condiments like onions, garlic, ginger and other, namimili ako ng mga half kilo each na para makatipid ng konti, mas mapapamahal ka kasi kapag pira-piraso ang bibilhin eh. 

And ito ang mga niluto ko na for our ulam. Nilagang spareribs para may mahigop tayong sabaw, nilagang okra, fried talong and tilapia. Healthy naman siya, may gulay, may isda at may karne. 




Ulam na namin ito lunch and dinner. Para makatipid din sa gas hindi bah! Initin na lang ng konti, solve na. 

Ang sarap kumain ng nakakamay tapos may sawsawan na patis, kalamansi at sili. Hmm, bongga ang lunch. Para ka na din kumain sa restaurant. 

Kailangan natin ipagpasalamat na meron tayong nakakain araw araw kahit pa mga simple lang yan. Mas masarap kainin ang mga simpleng pagkain lalong lalo na ang tuyo. Hmm, gusto ko tuloy magluto ng tuyo bukas........!!!!!!!!!!!

Stay safe and dry everyone.!

Comments