BISTEK NA TALONG (TALONG STEAK) RECIPE

Mga dai, kunwari healthy tayo ngayon hihi... (healthy naman talaga ang niluluto ko noh, mahilig ako sa shakes na prutas at gulay tulad ng spinach at carrots, o malunggay at carrots at iba pang shake na ginagawa ko for our merienda). 

Gusto ko kumain ng steak, pero mahal sa resto hihi at mahal din ang beef. Lahat na lang mahal, pati gulay, isda, prutas etc., buti sana kung mahal tayo ng boyfie natin hihi 'naks hugot' joke lang. 

Anyway, late post ko ito ha, nung nakaraan ko pa ito niluto. Palagi kasi masakit ang ulo ko kaya hindi ako makapagsulat, (nagbabasa lang ako ng pocketbook, charrr). 

Healthy steak ito kasi nga gulay lang at walang sahog na karne, masarap siya pramis.!!!

Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa. 


Bistek na Talong

Ingredients:
  • 4 pcs talong
  • onions (maraming onions sakin)
  • 1/4 cup toyo
  • 8 -10 pcs kalamansi juice
  • water
  • salt and pepper
  • sugar
Procedure:
  • Putulin ang talong into half at hiwain. Then fry the talong and set aside (ilagay sa paper towel para mabawasan ang mantika).
  • In a pan, ilagay ang water, toyo and kalamansi juice. Let is simmer. Then season with pepper and sugar, and a little bit of salt kung matabang pa. Depends on you. 
  • Then add the talong and the sibuyas, simmer again. Then serve. Pwede mo iadjust ang timpla ah, it depends on your taste. Depende din kung medyo may sabaw ang talong steak o hindi. 

Masarap siya healthy pa. Eggplant is rich in dietary fiber, vitamin B1 and copper. It can also helps for weight loss because it is high in fiber and low in calories (source from gg).

Oh di ba, kapag gusto magdiet pwede din pala ito. Kaya lang parang hindi ako nabubusog kapag walang kanin talaga, kanin is life eh. Kahit sino naman, talagang naghahanap ng rice. 



Mahilig ako sa gulay pero di ko keri ang maging vegetarian na lang, hindi ko kaya mga dai. Eh yung dugo ko pa naman need talaga ng meat. Nabasa ko kasi yan sa healthy magasine o san nga yun?????? depende sa type ng dugo ung need ng katawan natin, totoo ba yun..????? 

Ay ewan, basta kung may pagkakataon lang kelangan natin magpakahealthy, dahil sa panahon ngayon hindi dapat nagkakasakit ang mga tao. 

Kumain tayo ng gulay para pampahaba ng buhay.... 

Comments