CHICKEN MACARONI SALAD RECIPE

Mga besss, magdessert naman tayo para hindi tayo maumay sa mga ulam hehe. Ilang araw na akong nagkecrave ng macaroni salad eh, wala naman ako mabilhan. Tsaka ang dami kong macaroni salad, kasi pag bumibili ako ng lady's choice mayonnaise, eh yung may free na macaroni ang kinukuha ko para tipid na di bah? 

Ganun, ako halos may mga freebies ang binibili ko sa grocery pero sempre tinitingnan ko naman ang mga expiry date noh! Nakakatipid na ko kasi nagagamit ko naman yung mga free. 

So, ayun nga marami akong macaroni kaya gawa tayo ng saladdddd, ako lang halos ang nakaubos ng ginawa ko hihi. 

Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa. 


Chicken Macaroni Salad

Ingredients:
  • 1 pack of macaroni (400g)
  • chicken breast (mga 1/2 kg)
  • carrots (cut into tiny pieces)
  • pickle relish
  • chopped onions
  • pineapple tidbits (1 small pack, hindi kasama ang juice)
  • raisins
  • 2 stalk of celery (cut into tiny pieces)
  • mayonnaise (tantiyahin na lang kung gano karami)
  • cheese
  • salt and a little bit of ground pepper


Procedure:

  • Cook the macaroni according to package instructions and drain.
  • Cook also the chicken.
  • In a bowl, combine the carrots, chicken, onions, celery, pickles, pineapple tidbits, raisins and cheese. Add the mayonnaise and season with salt and a little bit of ground pepper.
  • Ilagay na ang macaroni (tip ko palamigin muna para hindi matunaw ang mayonnaise) at haluin ng dahan dahan lang para hindi naman madurog ang macaroni. 
  • Chill before serving (masarap kasi pag malamig). 

Yesss, naglalaway na ako nito. Hindi pa nga malamig kumain na ko eh. Kulang ng ham, mahal kasi kaya okay na yan, para lang maibsan ang paghahanap ko sa pagkain na yan.




Nakaportion na yan kasi para pag gusto kumain, hindi lahat ilalabas sa ref para din hindi agad masira di ba. 




Yung mga ingredients, tinantiya ko lang po mga yan depende sa panlasa ko, pwede nyo dagdagan o bawasan depende kung ilan kayong kakain para tipid din naman. 

In fairness ha, nung pinost ko yan sa instagram may nagtanong pa kung binebenta ko yan, hmmm siguro kung malapit lang siya pinagbili ko na hihi. 

Ginawa ko siyang merienda, dessert at maging breakfast. #cravingssatisfied



Comments