GINATAANG KANGKONG RECIPE

Ang kangkong bow! 

Habang nagluluto ako nito, hindi ko maiwasan na hindi maalala ang tula tungkol nito sa libro namin noon nung elementary na may pamagat na "ang kangkong" ang kaso naman hindi ko na talaga maalala yun. Ilang dekada na  din naman kasi ang nagdaan hihi.

Sa probinsya namin, maraming kankong sa mga gilid ng palayan. Kaya naman kapag walang ulam eh, kumuha ka na lang at iluto mo ng adobo, napakasarap nito kahit na walang halong karne. Kumbaga, sa isda sariwa talaga. Tsaka ung native ang kangkong namin noon, pero ngayon may malalaki na kasi nagtanim na ng malalaki ang tatay ko.

Paborito natin ito ihalo sa sinigang, iluto bilang adobong kangkong, gawing salad at kung ano ano pa. Kaya naman magluto tayo ngayon ng ginataang kangkong. 

Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa. 


Ginataang Kangkong


Ingredients:
  • 2 tali ng kangkong (cut into small pieces, pati ung dahon)
  • 1/4 kg pork (cut into chunks)
  • 2 cups gata (25 to 30 pesos  siya, may kasamang pangalawang piga)
  • konting mantika
  • onion garlic and ginger
  • salt and pepper 
  • 3 to 5 pcs siling haba 

Procedure:
  • In a pan, saute onion garlic and ginger. Add the pork at igisa hanggang magbrown then add ung pangalawang piga ng gata. Hayaan na kumulo lang hanggang maluto ang pork. 
  • Then ihalo na din ang unang piga na gata at ang kangkong. Isunod ang sili and season with salt and pepper. Simmer hanggang maluto ang kangkong. 
  • Then serve.
Super simple lang ang pagluluto nito, hindi na kailangan ng kung ano ano. Basta masarap ang panlasa at nagustuhan ng kakain. 




Yung mga niluluto ko po ay kumbaga pangmasa lang at pangbudget ulam ng isang simpleng pamilyang namumuhay sa siyudad. Kasi sa panahon ngayon kelangan natin magtipid at maging wais sa mga niluluto at binibili. 



Comments