GINATAANG PORK KARE-KARE RECIPE

Kumusta kayo mga besh..? Sana okay pa din kahit marami tayong problema noh.! Grabe na ang mahal ng bilihin ngayon sa palengke, parang hindi na kasya ang sahod natin sa presyo ng mga bilihin. 

Sa news palaging ang mahal ng mga bilihin ang napapanood ko, pero wala tayong magagawa kundi magtipid, magtipid, at magtipid......

Once a week, I try to cooked special naman kahit na nagtitipid. Pero kasama na ang gulay dyan at karne. Wala akong maisip na iluto kaya, sinubukan kong magluto ng karekareng may gata. Hindi pa ako nakaluto nito, or nakatikim ng may gata na karekare. Kayo ba nakaluto na nito..? Let me know ha.!

Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa. 


Ginataang Pork Kare-kare

Ingredients:
  • 1/2 kg pork spareribs
  • 2 pcs talong
  • 1 tali sitaw
  • 1 tali pechay 
  • 3/4 cup gata (unang piga)
  • onion and garlic
  • 2 pcs siling haba (optional lang po)
  • salt and pepper to taste
  • 2 tbsp canola oil
  • water
  • 1 mama sita's karekare (small lang ung pang 1/2 kg lang)
  • 2 tbsp peanut butter
Procedure:
  • In a pan, saute onion and garlic. Add the pork at isangkutsa (igisa hanggang sa matuyo at parang maprito sa sarili niyang mantika). 
  • Add water at pakuluan hanggang sa lumambot si porky. 
  • Once the pork is malambot na, add mo ung karekare mix and then simmer. Ilagay mo din ang sili para madurog at medyo maanghang (di naman maanghang ang siling berde).
  • Add mo na din ung peanut butter and gata. Simmer uli. Season with salt and pepper.
  • Kapag luto na ang baboy, add mo na ung gulay. Then simmer until the veggies is cooked. 
  • Then serve with bagoong and rice.

Hindi ko akalain na mas masarap siya because of gata, its more creamy at manamis namis din. Do not overcooked the veggies. Hindi ko siya nilagyan ng puso ng saging kasi mahaaal siya besh hihi. 




Yung bagoong ko is yung kamayan na golden hands spicy bagoong, kaya nagseason ako ng salt and pepper kasi hindi naman maalat ang bagoong kaya okay lang.




Do not afraid to try new recipes, kasi sa pageexpirement natin mas napapasarap pa natin ang pagluluto. Its okay to be failed again and again, and again, natural yan kasi were not perfect and nobody is perfect di ba!

Ako marami din akong fail, especially in baking but I don't give up yun nga lang magastos hihi, pero buti na lang kahit papano may nagoorder din sa binebake ko. Kaya try and try lang always.

Kaya tara na let's eat na. 






Comments