KINUNOT NA TILAPIA RECIPE

One of the best dish sa probinsya namin ay kinunot especially kinunot na pagi. Sempre may gata pa rin, at marami pang pagi noon. Pero dahil ipinagbawal na ang paghuhuli ng pagi dahil nauubos na, ay bihira na kaming makatikim o hindi na kami nakakatikim ng kinunot. 

Ang kinunot ay flaked fish o kinurot kurot kumbaga hihi. Mas nagpapasarap sa kanya ang gata at lalo na ang sili. 

So, ayun nga. Dahil wala ng pagi, ibang isda na lang ang gagamitin natin sa kinunot, tsaka di pa ako nakaluto ng pagi eh, baka magkamali ako. 

Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa. 


Kinunot na Tilapia

Ingredients:
  • 1 tilapia (big)
  • 2 tali malunggay
  • 1 cup gata (unang piga)
  • 1 cup gata (pangalawang piga)
  • sili labuyo (depende kung gano kaanghang gusto niyo)
  • onions and garlic
  • salt and pepper
Procedure:
  • Ilaga muna ng mga ilang minuto ang isda para madaling mahimay.
  • Himayin na ang isda sa maliliit na piraso.
  • In a pan, ilagay ang pangalawang piga ng gata, onions and garlic. Ilagay na din ang tilapia. Let is simmer for a while. 
  • Then add the sili, and malunggay. Ilagay na din ang unang piga na gata. Simmer hanggang sa mareduce ang gata. The season with salt and pepper. Then serve.

Dapat ang kinunot talaga ay maraming isda at konti lang ang malunggay, pero since mahal ang isda ngayon dinagdagan ko na lang ng malunggay. At hindi ko siya pinatuyo ng sobra, kasi gusto ko ung medyo may sabaw. 




Masarap itong pulutan noon, pero mas masarap ito iulam sa kanin. Yung kinunot na nabibili ko dati sa carinderia, okay naman siya malabnaw nga lang kasi sempre tipid sa gata. Kaya mas mabuti na magluto na lang para ma satisfied ka pa di bah!.

Kung ang dyowa mo gusto mong kurot kurutin pero malayo siya, hay naku magluto ka na lang ng kinunot hihi. Simple man ang ulam na ito, naku, mapapapikit ka din sa sarap. 

Comments