Hello mga bessss. Kumusta na kayo...?
Hindi ko na alam kung paanong pagtitipid pa ang gagawin ko para magkasya ang budget sa isang buwan. Soooobrang mahal ng mga bilihin na. Naramdaman nyo din ba.?
Kapag namamalengke ako, ung 500 pesos ko konti na lang ang nabibili. Gustuhin ko man bumili ng ganito, ganyan hindi ko na magawa huhu. Ni hindi na nga ako makabili ng panty hihihi. Haisst, pero kahit ganun tuloy pa rin ang buhay at pagasa.
Wala tayong magagawa, talagang ganyan ang buhay. Kelangan na lang natin, magsikap talaga para sa kinabukasan natin.
Mas gusto kong tumira sa probinsya na lang, kasi doon pwede ka magtanim kahit ano sa bakuran, kahit na mahirap ang buhay. Dito sa siyudad, walang space lalo na kung umuupa ka lang, maraming bawal.
Anyway, tama na nga ang emote. Ikain na lang natin ang mga problema para mawala di ba. Super tipid ang lulutuin ko ngayon.
Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa.
Miswa with Sardinas at Ampalaya
Ingredients:
- 1 can sardines (spicy ang ginamit ko)
- miswa
- ampalaya
- patola
- onion and garlic
- salt and pepper
- canola oil (2tbsp)
- water
Procedure:
- Igisa ang bawang at sibuyas. Isunod and sardinas at lagyan ng tubig. Hayaan munang kumulo.
- Kapag kumulo na, timplahan ng salt and pepper. At ilagay na din ang ampalaya. After ilang minutes, isunod na ang miswa at patola. Mabilis lang naman maluto sila. Then serve.
Super simpleng ulam at tipid pa, na good for 3 to 4 persons, pero kung matakaw ka eh naku, pangdalawa lang ito.
Yung mga niluluto ko pong ulam ay mga pangmasa lang dahil yan ang kaya ng aking budget, kumbaga pangmahirap lang at simpleng tao na simpleng namumuhay sa siyudad.
Simple man ang ating ulam, siguruhin pa din natin na healthy para sa ating family.
Comments
Post a Comment