This is one of my favorite fish back in our provinces, buraw ang tawag namin dun. Sobrang malasa ang isdang ito. Palaging luto namin nito ay kosidong isda, or kahit inon-on lang o kaya naman prito.
Kaya everytime na may makikita akong alumahan sa palengke, palagi akong bumibili kahit mahal (pero palagi naman siyang mahal hihi). Di muna ako bumibili ng gg, alam mo na sa news. Iwas iwas muna.
Sobrang mahal na talaga ng bilihin ngayon, itong isda nga 2 piraso lang 120 pesos na ang bili ko. Pano pa tayo kakain nito pagdating ng araw, lahat ng pagtitipid ginagawa na natin pero hindi pa din sapat. Madidiet na ba tayo.?
Tipid tipid din tayo kaya ito lang ang ulam natin, luto tayo ng isda.
Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa.
Pinangat na Alumahan sa kalamansi
Ingredients:
- 2 piraso isdang alumahan
- talong
- onion, tomatoes and ginger
- green sili
- 10 to 15 pcs kalamansi juice
- water
- salt and pepper
Procedure:
- Just put everything in a pot and let is simmer hanggang sa maluto ang isda. Season with salt and pepper.
- Then serve.
Ito na ang pinakaeasy sa super easy na recipe na ginawa ko, ilagay mo lang lahat sa kaserola (maliit na kawali pala ang pinaglutuan ko) pakuluan ayan luto na.
Sa mahal ng bilihin ngayon dapat sa isang ulam meron ng gulay na halo para hindi na magluto uli dahil super mahal na din ng gas. Sa probinsya, uling ang gamit namin noon sa pagluluto o kaya naman kahoy, mas masarap ang lasa ng pagkain lalo pa mga gulay na pipitasin mo lang sa bakuran.
Kaya nga dapat hindi tayo nagsasayang ng pagkain lalo na ang bigas, dahil hindi na biro ang nararanasan nating hirap sa buhay. Pero dapat pa din tayong magpasalamat dahil kahit papano kumakain pa din tayo ng tatlong beses sa isang araw.
Ang dami ko ng emote, kumain na lang tayo mga bes.
Comments
Post a Comment