Naku! Naku! Naku!
Ito na naman po ako, ang babaing mahilig sa gata at sa pagkain (kaya ako tumataba eh, masarap kumain kasi). Siguro kung makikita nyo ako eh, baka pagtawanan nyo ako (wag naman plsss) hahaha, gabi pa lang iniisip ko na kung ano ang lulutuin kong ulam namin. Kaya sa umaga nyan, habang umiinom ng kape eh, may nakahandang ballpen din at papel para maglista.
Naglinis ako ng ref kanina, in fairness kahit yung ref namin eh hindi na dumidikit ang goma sa pinto eh ayos pa din naman, talian na lang. Almost 12 years kasi ito, at wala pang pambili ng bago hehe, kaya tiyaga tiyaga lang muna ako.
Meron pa natirang chicken, haisst kaya lutuin ko na lang, kaya ayan nag-iba ang menu ko ngayon hihi, naks may pamenu menu pa akong nalalaman, (ganito yata pag gutom nabubuang na ako, joke lang).
One of the best ulam with gata is chicken curry or pork curry. Yung curry pala is derived from the Tamil work "kari" which means "sauce, or relish for rice" (oh ha, nabasa ko lang naman yan) kaya pala ang sarap niya kasi mga spices pala ang ingredients nito (hindi ko kasi alam eh). Mostly ang mga curry or sauces is mga indian ang mahihilig noh, kaya ung mga food nila marami talagang sauces. Bakit ung curry powder sa palengke parang walang amoy, hindi kaya peke lang mga yon hihi..? Ay ewan, naku baka maisipan kong gumawa na lang ng homemade curry powder hihi.
Hay naku, kung ano ano na naman ang sinasabi ko, magluto ka na nga lang at gutom na ako.
Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa.
Simpleng Chicken Curry
Ingredients:
- 1/2 kg chicken
- potatoes
- carrots
- 2 1/2 cup of gata (kasama na ang pangalawang piga, ung binili ko sa palengke is 25 to 30 pesos siya)
- siling haba (optional lang)
- onion garlic and ginger, tapos hinaluan ko siya ng luyang dilaw
- salt and pepper
- 2 tbsp canola oil
- 2 tbsp vinegar
- curry powder
- a pinch of sugar
- bellpepper (hindi ko nalagyan, nakalimutan ko eh)
Procedure:
- Saute onion, garlic and ginger. Add the chicken at igisa hanggang magbrown siya. Then add yung pangalawang piga na gata. Let it simmer hanggang sa lumambot ang chicken.
- Then isunod mo na din ung unang piga na gata, at curry powder (tunawin mo sa konting tubig para hindi magbuo buo). At lagyan ng suka (para mabalance ang pagka creamy ng gata).
- Then add the patatas and carrots, sili and season with salt and pepper and a pinch of sugar. Simmer hanggang maluto ung gulay. Then serve with rice.
See, madali lang yan lutuin. pwede din wag ng igisa at ilagay mo lang sa pot, depende sa kung paano ka magluto. Ako kasi, most of my ulam ay ginigisa ko muna para mawala ang lansa.
Pasensiya na po, madilim ang picture ko kasi umuulan sa labas at masama pa ang pakiramdam ko nyan eh, kagagaling lang sa sakit eh, pero masarap yannnnn!!!.
Kahit anong ulam basta may gata, masarap talaga di bah.!
Oh, tara na at kumain na tayo, kamayan lang to hahhhh.
Comments
Post a Comment