SUPER TIPID NA GINISANG GULAY RECIPE

Naglinis ako ng ref, at meron pa pala akong isang chicken breast na hindi ko naluto, eh hindi pa naman sira. Ano kaya ang lulutuin ko dito, eh konti lang naman at pangsahog lang ito sa gulay o  kaya pancit. 

Kaya naman I decided na pumunta ng palengke at bumili ng mga gulay, 150 pesos lang ang dala kong pera. Susubukan ko kung ano ang mabibili ko nito para may ulam kami sa lunch. 

Tipid ulam tayo ngayon, para makaipon paunti unti ng panggastos sa darating na pasko, eh ber months na. Huuuuwaaaat, ang bilis ng panahon mga dai, paggising natin pasko na. Naririnig ko na nga boses ni jose marie chan eh. Ayayay, christmas in our hearts is on the way....

Ilagay ko na lang yung mga price ng mga binili ko sa ingredients. Magluto na tayo ng super simpleng ulam.

Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa. 


Ginisang Gulay

Ingredients:
  • 1 pc carrots (15 pesos mga dai, 200 ang kilo niya)
  • 1 repolyo (20 pesos)
  • baguio beans (10 pesos)
  • sitsaro (10 pesos)
  • young corn (20 pesos)
  • sayote (10 pesos)
  • chicken breast (tira sa ref)
  • onion, garlic
  • 1 tbsp oyster sauce (or pwede mo dagdagan)
  • salt and pepper 
  • 2 tbsp canola oil
  • water
  • 1 pc chicken cubes
Procedure:
  • Saute onion and garlic. Add the chicken and saute until browned. 
  • Add water and knorr cubes. Let is simmer until maluto ang chicken. 
  • Ilagay na din ang oyster sauce. Season with salt and pepper
  • Then add the veggies and simmer until cooked. 
  • Don't overcooked the veggies para crunchy pa siya. 
  • Serve. 
Yung nabili ko lang sa palengke is worth 85 pesos, at kung isama natin ang chicken siguro mga nasa 125 pesos lahat ang budget ulam natin. See, mura na siya good for 3 to 4 person na yan, kung matakaw ka eh, baka pandalawahan lang hihi.

Kulang na lang pansit eh, kasi parang pampancit ang gulay ko noh.!




Mura man ang ating niluluto ay sigurado tayong healthy pa din yan at masarap. At kahit na kulang kulang ang ingredients, nasa pagluluto yan kung pano natin pasasarapin. 




Simpleng pagkain pero masarap kapag pinagsasaluhan ng magkakasama. 

Comments