Pasko na..????
Ay mali......
Paksiw na bangus na lang muna...
Ilang araw akong hindi nakapagluto dahil sa sipon at ubo pati na sakit ng katawan, haisst ang hirap ng maysakit kasi walang gana sa lahat. Walang ganang kumain kasi walang panlasa.
Kaya naman bumabawi ako ngayon. Uy mga bes, ang mahal na ng bangus haha, (sabagay lahat naman nagmahal). Request sakin relyenong bangus sana, eh paksiw na ang nasa menu ko noh. Next time na lang yun, hindi pa naman ako nagluto ng ganun.
Medyo may twist ang paksiw ko ngayon, kasi kadalasan eh ilagay na lang sa kaserola lahat ng sangkap. Kaya iniba ko naman, ginisa ko muna at in fairness ha, mas masarap at bawas ang lansa ng isda.
Tara magluto na tayo ng ating ulam.
Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa.
Paksiw na Bangus
Ingredients:
- 1 bangus
- ampalaya
- 2 pcs talong
- 1/2 cup vinegar (or tantiyahin nyo na lang po)
- water
- onion, garlic, ginger and tomatoes
- salt and pepper
- 2 pcs siling pansigang
- a pinch of sugar
- 2 tbsp canola oil
Procedure:
- Sa isang kaserola, igisa ang bawang, sibuyas, ginger at kamatis. Isunod na ilagay ang bangus. Baliktarin ng isang beses lang para hindi madurog.
- Lagyan ng tubig, at suka. Season with salt and pepper at konting sugar. Hayaan na kumulo.
- After ilang minutes, idagdag na ang sili. Then ilagay na din ang mga gulay. Simmer until maluto.
- Then serve with rice.
Di ba madali lang, may dagdag na aroma kasi ang paggisa, mas lalong nagpasarap sa lasa ng isda. Para maiba naman ang karaniwang luto natin ng paksiw.
Basta akin ang ulo ha, walang aagaw hihi. Yan ang favorite ko sa bangus kasi madaming taba hihi.
Simple man ang ating pagkain, pero pag masarap ang luto nagiging sosy na din. Mas masarap pa din ang lutong bahay na pagkain kesa sa anupaman.
P.s mas masarap ang paksiw na bangus kapag kinaumagahan na inulam, parang adobo din mas matagal mas masarap...
Comments
Post a Comment