Healthy alternative sa pork igado ay walang iba kung ang manok. Dahil nagcrave ako nito at hindi ako namalengke, tumingin na lang sa ref kung ano ang laman. Manok check, carrots patatas check, atay ng manok hmm my konti pa, may maliit na bellpepper at may toyo at suka pa. Sibuyas bawang check na check, ayan di na ko mamalengke hihi. My liver spread pa naman, toyo at suka. Solve na ito.
One of the best dish talaga ito para sa akin eh, may gulay na may karne pa. At hindi rin mahirap na lutuin. Sa probinsya, mas lamang loob ng baboy ang hinahalo sa igado, kaya naman super sarap talaga. Anyway, kahit ano pa yan masarap pa rin yan.
Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa.
Chicken Igado
Ingredients:
- 1/2 kilo chicken breast (cut into strip)
- atay (may halo siyang balunan)
- 1pc carrots
- 1pc patatas
- 1pc bellpepper
- 1 can liver spread
- greenpeas
- onion garlic
- soysauce
- vinegar
- salt and pepper
- konting sugar
- 2 pc sili (dagdagan if gusto ng mas maanghang)
- konting tubig
- 2 pc dahon ng laurel
Procedure:
- Igisa ang bawang at sibuyas. Isunod ang manok at igisa hanggang magbrown siya. Isunod din ang atay at lagyan ng konting tubig (mga 1/2 cup).
- Lagyan na din ng toyo at suka (tantiyahin nyo na lang kasi hindi ko siya sinukat eh) at hayaang kumulo hanggang sa maluto ang manok. Ilagay na din ang liver spread.
- Kapag luto na ang manok, isunod na ang dahol ng laurel, carrots, patatas, green peas at ung sili (hiniwa ko ung sili). Timplahan ng salt and pepper at konting sugar. Simmer hanggang maluto ang mga gulay at magreduce ang sabaw. Kapag luto na, ilagay na ang bellpepper, haluin at patayin na ang apoy.
Simpleng procedure, simpleng ulam pero pag naluto makakarami ka ng kanin. Kaya kain na po tayo, ilabas na ang isang kalderong kanin....
Comments
Post a Comment