GINATAANG PAKSIW NA TUNA RECIPE

Hello mga besh, malapit na ang pasko noh kaya busy-busyhan mga tao sa pagsashopping, (buti pa sila). Ako naman puyat dahil sa simbang gabi, panata ko kasi talaga na laging makumpleto ang simbang gabi, kaya kahit puyat okay lang. 

Hindi rin ako masyado nagluluto ngayon kasi wala ng mailuto hihi, makikikain na lang ako sa pasko haha. 

Anyway, itong recipe na ito ung niluto ko pa last week hihi (natagalan magsulat kasi puyat). Nung namalengke kasi ako nung linggo ata yun, nakakita ako ng tuna, aba ang sarap ipaksiw tapos gataan nito ah. Kaya iyan ang ulam namin. 

Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa. 


Ginataang Paksiw na Tuna

Ingredients:
  • tuna (4 pcs na hiwa binili ko)
  • 1/2 cup vinegar
  • 1 cup gata
  • onion. garlic and ginger
  • salt and pepper
  • sili green
  • water 
Procedure:
  • Sa isang maliit na pot or kawali, ilagay ang tuna, onion, garlic and ginger. Ilagay din ang suka at tubig. Timplahan ng salt and pepper.
  • Simmer ng mga ilang minuto. 
  • Then, ilagay na din ang gata at sili. Check niyo kung okay na ang timpla niya. Simmer hanggang sa medyo matuyo ang gata. 
  • Serve with rice. 

Madali lang lutuin noh, ilagay lang lahat sa kaserola o kawali then pakuluan, meron ka ng masarap na ulam. Hindi siya nakakaumay kasi pinaksiw muna, kaya malakas sa kanin. Aguyyy.....




Ito yung mga ulam na kahit napakasimple kung lutuin pero panalo sa lasa di ba. Talagang mapaparami ka ng kain, kaya tiyak patay ang diet natin diyan hihi. 

Comments