Lahat ng may sarsa na ulam ay gusto ko, menudo, kaldereta, afritada atbp. Halos parepareho lang naman sila noh, nagkakaiba lang sa mga sangkap o kaya sa hiwa na karne (me ganun).
Kaya naman naisipan kong magluto ng pochero, ang tagal ko na kasing nagluto nito eh. At least ito, may karne at may gulay na, 2 in 1 na lang para tipid din sa gas di ba!
Angp pochero sa probinsya namin walang tomato sauce, pero ngayon lalagyan ko siya para makulay ang buhay hihi.
Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa.
Pork Pochero
Ingredients:
- 1/2 kg pork (spareribs ang ginamit ko)
- 2 pcs camote
- 4 pcs saging na saba
- repolyo (half)
- baguio beans (ung 10 pesos lang na nakaplatito ang binili ko)
- baguio pechay (half din)
- tomato sauce
- garbansos
- ketchup (depende kung gaano karami, mga 3tbsp ang nilagay ko, pandagdag kulay at lasa)
- onion garlic and tomatoes
- salt and pepper
- chili flakes (optional lang para medyo may sipa ng anghang)
- a pinch of sugar
- water
- 1 pc pork cubes
Procedure:
- Sa isang kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis hanggang sa medyo madurog ang kamatis. Isunod ang pork at igisa hanggang sa magbrown. Kapag brown na ang pork, lagyan ng water at yung knorr cubes at hayaan na kumulo hanggang sa lumambot ang porky.
- Kapag malambot na ang porky, ilagay na ang tomato sauce at ketchup, pati ung chili flakes (kung meron) at garbansos, timplahan ng salt and pepper and a little bit of sugar. Ilagay na din ang saging at camote. Let is simmer for ilang minutes.
- Then last ilagay na din yung ibang gulay, and simmer hanggang sa maluto ito. Mabilis lang maluto ang mga gulay eh. Then serve na with isang kalderong kanin.
Kahit walang rice masarap itong papakin, pero sempre tayong mga Pilipino parang hindi nabubusog kapag walang kanin di ba!
Kapag may pyestahan, asahan mo ng hindi mawawala ang ganitong putahe sa lamesa, lalo na sa amin sa probinsya. Ginutom na ako, kumain na nga lang tayo, wala naman saysay pinagsusulat ko hehe.
Masarap talaga kumain, pero sana masarap din magbawas ng timbang. Aminin nyo, ang hirap magdiet lalo na ngayon malapit na ang pasko maraming kainan. Next year na lang uli ang diet hahaha...
Comments
Post a Comment