CHICKEN EXPRESS WITH KANGKONG LEAVES RECIPE

Namiss ko na ang gataaaaaa......

Kaya naisipan kong magluto ng bikol express este chicken express pala na hinaluan ko ng kangkong leaves para may gulay. Basta kasi may gata, kahit anong luto nakakatakam talaga. Chicken ang ginamit ko kasi bawas muna kami sa porky.

Magluto na tayo at anong oras na..

Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa. 


Chicken Express with Kangkong Leaves

Ingredients:
  • 1/2 kg chicken breast (cut into strips)
  • 1 cup gata (unang piga)
  • 1 cup gata (pangalawang piga)
  • 4 pcs sili haba (pwede mo dagdagan kung like mo mas maanghang)
  • 2 tali kangkong (leaves lang ang ginamit ko)
  • 1 tbsp bagoong (spicy bagoong nilagay ko)
  • 1 tbsp vinegar
  • onion and garlic
  • salt and pepper
  • a pinch of sugar
Procedure:
  • Igisa ang onion and garlic. Add ung chicken at igisa hanggang sa magbrown. Ilagay na ang bagoong, ung pangalawang piga ng gata at suka. Hayaan na kumulo  ng mga 10 to 15 mins. 
  • Haluin, then add ung unang piga ng gata at sili. Season with salt and pepper and a pinch of sugar. Simmer uli. 
  • Then last ilagay ang dahon ng kangkong at hayaan na maluto. Then serve. 
Tadaaaa, ihanda na ang isang kalderong kanin. 




Tamang tama lang ang anghang niya, kung gusto mo mas maanghang dagdagan mo ng sili. Kahit simple lang ang ulam mo kung ganito naman, naku siguradong masisira ang diet mo hihi katulad ko. Next year na uli ang diet..... 

Comments