Kapag naghahanap ako ng may sabaw na ulam, isa sa mga paborito ko ang pesang tilapia. Madali lang kasi itong lutuin at masarap papakin, pero mas masarap kapag may kasamang kanin na lumalangoy sa sabaw (ginagawa nyo din ba ito, maraming sabaw sa kanin, sarap noh!)
Bukod sa pritong tilapia, paksiw na tilapia, sarciadong tilapia etc. ay itong pesang tilapia ang isa sa pinakamasarap na luto sa tilapia. Pwede mo siyang ipesa ng sariwa, pero ako piniprito ko muna ang tilapia bago ko siya sinasabawan, para may dagdag lasa at bawas lansa ng isda.
Nagugutom na ba kayo? Tara, magluto na tayo.
Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa.
Pesang Tilapia ala Mads
Ingredients:
- 2 pcs na tilapia (hinati ko kasi medyo malaki kaya naging 4 na)
- 2 tali ng pechay
- onion
- ginger (maraming ginger)
- salt and pepper
- water (mga 4 cups or more, depende kung gano karami ung sabaw)
- oil for frying
Procedure:
- Linisin ang isda at timplahan ng konting salt at iprito.
- Sa isang kaserola, ilagay ang tubig, sibuyas at maraming ginger (mas marami mas masarap). Pakuluan lang hanggang sa ang katas ng ginger ay lumabas (nagiiba ang kulay ng tubig niyan kasi humalo na yung katas).
- Ilagay na ang isda, timplahan ng salt and pepper. Pakuluan.
- Last ilagay na ang pechay, at simmer hanggang maluto.
Di bah, ang dali lang lutuin pero masarap siya. Pramis!
Hindi ko na siya nilagyan ng sili o chili flakes, kasi para malasahan mo ang ginger habang hinihigop (parang salabat na). Pwede ka din maglagay ng iba pang gulay like repolyo, depende sayo kung anong gusto mong gulay, pero ako pechay lang nilalagay ko hihi.
Napakasimpleng ulam pero isa sa pinakamasarap. At siguradong magugustuhan ng inyong pamilya.
Tara, kain po tayo.!
Comments
Post a Comment