TUNA STEAK RECIPE

After ng holiday season, sakit naman ang naranasan ko. Trangkaso with ubo at sipon, dahil siguro sa pagod, ulan at lamig kaya hindi kinaya ng katawan ko. Kaya ilang araw akong hindi nakakain ng maayos, kumbaga na diet ako ng di sinasadya hihi. 

Itong ulam, after new year ko pa ito niluto bago ako magkasakit. Dahil puro karne, taba ang nakain ko kaya naisipan kong magluto ng tuna steak. Isda muna kami ngayon, simple lang naman po ang pagluto nito. 

Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa. 


Tuna Steak ala Mads

Ingredients:
  • 2 pcs tuna 
  • 3 pcs onion (puti)
  • soysauce (hindi ko nasukat eh, tantiyahin nyo na lang)
  • kalamansi juice (10 - 12 pcs)
  • garlic
  • salt and pepper
  • a pinch of sugar
  • konting water
  • mantika
Procedure:
  • Lagyan ng salt ang isda at iprito muna. Set aside.
  • Sa isang maliit  na kawali, ilagay ang soysauce, konting tubig at kalamansi juice. Ilagay din ang garlic and hayaan na kumulo ng konti. Timplahan ng salt and pepper and a pinch of sugar. Then ilagay na ang pritong isda, simmer. And last ilagay na din ang sibuyas na puti. Mas marami mas masarap. (pwede mo siya lagyan ng slurry para medyo malapot ang sabaw, ako kasi di ko na nilagyan). 

Tadaaa, simple lang yan pero masarap. Kelangan ng maraming rice nga lang, you can adjust na lang the ingredients kung gusto mo. 



Mas naaapreciate ko na ngayon kumain ng isda palagi dahil matanda na ako, hindi katulad noong bata pa ako na pakiramdam ko ang hirap hirap namin dahil palaging isda at gulay ang ulam namin. Pero mas masarap pala ang ganun lang, healthy pa at hindi kumplikado. Pag matanda ka na saka mo maappreciate ang mga bagay noon na naranasan mo noh!

Comments