Naisipan kong magluto ng inun-on, wala lang gusto ko lang magluto. Naalala ko kasi ung inun-on na niluluto sa probinsya ng papa ko, dilis lang ang isda na ginagamit namin (bolinao ang tawag dun) kasi minsan maraming dilis nahuhuli sa dagat. Tapos ibabalot sa dahon ng gabi, eh pitas lang ng gabi dun kasi marami.
Wala akong nakitang dilis, kaya tulingan na lang na maliliit ginamit ko. Tsaka konti lang niluto ko kasi baka hindi magustuhan ng amo ko hihi.
Style probinsyang luto po ito walang kaarte arte haha. Tara, subukan na natin...
Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa.
Inun-on na maliliit na Tulingan
Ingredients:
- 8 pcs tulingan
- 4 pcs dahon ng gabi
- onion and garlic
- salt and pepper
- water
Procedure:
- Hugasan ang isda. Ilagay sa mangko at timplahan ng salt and pepper, ilagay na din ang onion at garlic. Ibalot sa dahon ng gabi, doblehin ang dahon para hindi mabutas at ilagay tig-apat na isda pati ung mga onion at garlic. Ilagay sa kawali, at lagyan ng tubig. Pakuluan hanggang maluto at magreduce ang tubig.
Ayannn luto naaa.
Sobrang simpleng ulam lang ito pero masarap, lalo na kung sanay kang kumain ng mga ulam na walang masyadong halo eh pwedeng pwede sayo ito.
Sa probinsya kasi, kahit simple ang buhay pero kung marunong kang magbanat ng buto ay masaya pa din.
Comments
Post a Comment