KOSIDONG ISDA ni Mads

Sa probinsya kapag nagluluto kami ng kosido, pinipitas lang namin ang talbos ng kamote at kalamansi, ung isda naman huli sa dagat. Pinakamasarap para sakin na ilutong kosido ay alumahan, o buraw ang tawag namin sa magallanes. Malaman kasi siya, at masarap talaga ang lasa. 

Nung nagpunta ako ng palengke, nakakita ako ng alumahan kaya naisip kong magluto ng kosido. Medium size lang ang binili ko, kasi ang mahal dai, 150 pesos na ung dalawa, aguyyy. Buti na lang talbos lang ang halo hihi.

Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa. 


Kosidong Isda ni Mads

Ingredients:
  • 2 pcs isda alumahan (hiwain into 2)
  • 2 tali ng talbos ng kamote
  • 10 to 15 pcs of kalamansi juice (you can add more if you want)
  • onion and tomatoes
  • water
  • salt and pepper
Procedure:
  • Sa isang kaserola, maglagay ng tubig mga 3 cups, ilagay din ang kamatis at sibuyas. Pakuluan. 
  • Isunod ang kalamansi juice. 
  • Then ilagay na din ang isda at timplahan ng salt and pepper. Simmer hanggang sa maluto ang isda.
  • Last na ilagay ang talbos ng kamote. 
  • Then serve. 

Masarap higupin ang sabaw niya kasi medyo maasim asim, at kulay pula kasi sa talbos ng kamote. Pero mas masarap kung isasabaw sa kanin di ba!



Simple man ang ating pagkain, hindi man magarbo ang importante nabubusog tayo at ang ating mahal sa buhay. Mas simple mas masarap, mas nakakatakam, at mas hinahanap hanap hihi. 



Comments