Belated happy valentine's mga kaibigan hihi. Late na naman ako, okay lang yan noh! Kumusta ang valentine date nyo, ayos ba???
Ako, wag nyo na tanungin dahil wala kaming date, pero may pagkain ako kaya okay lang walang date basta busog ako hihi, (takaw noh!).
Nagluto lang ako ng pasta para may merienda kami, at toasted bread oks na yan. Ayaw kong makipagsabayan sa dami ng tao sa labas eh, at ung traffic, naku, wag na oy!. Bahay na lang at nod ng tv..
Simpleng pasta lang ito sardinas nga lang ang halo eh, pero masarap sya. Nasubukan nyo na ba, ako kasi mahilig ako sa pansit at pasta, kaya minsan talaga luto ako pag gusto ko kumain niyan. Kaya ito sinipag ako magluto kasi gutom hihi...
Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa.
Simpleng Sardinas Pasta
Ingredients:
- pasta (200g lang ang ginamit ko kasi dalawa lang naman kami, cook according sa instructions niya)
- 1 can sardinas (ung 555 fried sardines hot and spicy para may konting anghang)
- onion and garlic
- tomato (wala akong sun dried tomatoes eh)
- green olives (meron pa kasi kaya hinaluan ko din ilang piraso lang)
- malunggay (para healthy, konti lang naman)
- oil
- salt and pepper
Procedure:
- In a pan, igisa ang garlic, onion and tomatoes. Kapag durog na ang kamatis, ilagay na ang sardinas (isama na din ang sabaw) at igisa (wag haluin masyado para hindi madurog ang sardinas), ilagay na din ang lutong pasta, olives at malunggay, (sempre haluin mo sya pero wag masyado, hanggang sa magmix lang lahat yan). Season with salt and pepper. Then ihanda na ang plato.
Ayaaannn, luto na ang merienda natin. Super simple, sobrang mura lang pero napakasarap. Para ka na ring kumain sa resto, di bah!
Best partner nito ay toasted bread, na nasa oven pa. Pwede rin kape ang panulak kung gusto mo. Pero healthy shake ang ginawa ko para samin.
Hindi kailangan gumastos ng mahal, ang importante magkasama kayo ng mahal mo sa buhay. Sa hirap ng buhay ngayon, praktikal na tayo at unahin ang mga importanteng bagay na kelangan talaga.
Again, be happy no matter what....... and always ask God for everything.!!!!
Comments
Post a Comment