SIMPLENG CHOPSUEY ala Mads RECIPE

Puro gulay lang ulam namin today, at wala akong maisip na lutuin kaya napunta ako sa ginisang gulay lang, o chopsuey na kulang kulang ang ingredients, okay lang yan gulay pa din naman yan hehe (ang gulo ko noh, ganito ako kapag gutom hihi). Yung chopsuey kasi may halong itlog ng pugo, eh ayaw ko nun mataas sa cholesterol yun kaya ayan squid balls na lang ang hinalo ko. 

Hindi ako bumili ng mga nakahiwa na halo halo na, walang lang gusto ko kasi ako maghihiwa, medyo mura naman ngayon ang mga gulay kaya oks lang. 

Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa.


Simpleng Chopsuey Recipe

Ingredients:
  • 1/4 chicken breast
  • 1/4 chicken liver at balunbalunan (pero di ko siya inubos ihalo)
  • squid balls (mga 10pcs hinalo ko)
  • onion and garlic
  • 1 pc cabbage
  • 1 pc carrots
  • 1 young corn (yung nakabalot na tig 15 isa)
  • 1 takal sitsaro (10pesos)
  • bagiuo beans (10 pesos din)
  • sayote (half lang)
  • 2 to 3 tbsp oyster sauce
  • 1 tasang tubig (ung pinagbanlian ng mga gulay ginamit ko para andun pa din ang lasa ng veggies)
  • slurry (cornstarch and water)
  • salt and pepper
Procedure:
  • Blanch all the veggies first, mga isang minuto lang para hindi maovercooked (pinahirapan ko lang sarili ko. Tsaka para mabilis na din lutuin. Pero pwede din hindi na iblanch, it depends on you haha, bahala kayo).
  • Magreserve ng tubig dun sa pinagbanlian ng mga gulay ha, mga isang tasa.
  • Sa kawali, igisa ang onion at garlic. Isunod ang chicken at igisa until browned, at ilagay na din ang atay, balunan at ung squid balls. Lagyan ng tubig (ung pinagkuluan ng mga gulay para ung lasa andun pa rin).
  • Lagyan ng oyster sauce, timplahan ng salt and pepper. Simmer. 
  • Kapag luto na ang chicken add na yung mga gulay. Konting halo, at ilagay na din ang slurry, konting halo uli. Ayan luto na....


Hindi yan overcooked, crunchy pa din ang mga gulay na halos pinapak ko lang, kulang na nga lang pansit eh. Tsaka pangit kasi phone ko, nagloloko na kaya hindi maganda mga picture, okay lang yan noh!



Ang partner nitong ulam namin ay adobong galunggong. Oh di ba, healthy, no porky. Yang isang  mangkok na yan, kaya ko ubusin yan na papak lang, (takaw noh). 

Simple man ang ating mga ulam, kapag masarap ang luto ay naku simot sarap pa din yan di bah!


Comments