Once a month na lang kami kumain ng pork, kasi alam mo na nagkakaedad hihi, kelangan magingat sa mga kinakain. Kaya naman namiss din ng tiyan ko si porky. Kaya naisipan kong magluto ng kare-kare.
Alam nyo ba, nung first time ko magluto ng kare-kare. Sabi ko sa sarili ko hindi ko na uulitin magluto nun kasi nakakapagod pala. Pano ba naman, nagtusta pa ako ng mani at dinurog ko pa, at nagdikdik pa ko ng bigas para ihalo din, kasi yung nakita kong recipe ng karekare eh ganun ang mga sangkap. Hayyy, kapagod pala yung ganun tsaka matagal din, gutom ka na sa dami ng process. Eh hindi ko pa alam, yung mga ready to mix na panghalo. Kaya ayun, nagtyaga ako magdikdik.
Pero in fairness ha, mas malasa ang ganung process ng pagluluto kaya lang nakakapagod hihi.
Kaya ngayon, eh yung ready to mix na binibili ko. Fan ako ng mama sita's karekare mix, yan na ang palagi kong binibili kaya naman easy to cook na ang karekare para sa akin. Dinadagdagan ko na lang ng peanut butter para mas malasa.
Ang sarap pa naman ng karekare di bah.
Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa.
Simpleng Pork Kare-kare
Ingredients:
- 3/4 pork (liempo ang nabili ko)
- 1 tali sitaw
- 2 pcs. talong
- 2 tali pechay
- puso ng saging (optional lang, di na ko naglagay kasi umitim nung pagblanch ko)
- mama sita's karekare mix (ung pang 1kg)
- 2 tbsp peanut butter
- onion and garlic
- a pinch of salt and pepper
- canola oil
Procedure:
- I-blanch muna natin ang mga gulay, magpakulo ng tubig with konting salt, kapag kumulo na, blanch the sitaw and pechay for 2 mins. At ilagay sa isang bowl na may yelo (para mas maganda ang color ng gulay, wala lang kunwari chef hihi).
- Wag ng itapon ang tubig, dun na pakuluan ang pork hanggang sa lumambot, (para masipsip din ng pork ang lasa ng mga gulay tsaka para tipid).
- Fried the talong.
- In a pot, saute onion and garlic. Then add the pork at igisa. At ilagay na din ang tubig (yung pinagkuluan ng pork). Dagdagan ng tubig kung kelangan.
- Then add na ung mama sitas karekare mix, at peanut butter. Let is simmer for a while, hanggang sa maglapot siya. Season with a pinch of salt and pepper. Lastly, ilagay na ang mga gulay.
Charaaaannnn.....
Sa likod naman ng mama sita's karekare may instructions din, kaya madali din sundan. Pwede naman hindi na iblanch ang mga gulay, at igigisa naman. Pinahirapan ko lang ng konti sarili ko haha.
Sempre ang partner nyan ay yung Golden hands bagoong na spicy, di naman kasi maalat ang bagoong.
Ano pang hinihintay nyo, ilabas na ang isang kalderong kanin at kainan na. Wag kalimutan maghugas ng kamay ha, at magpray.
Comments
Post a Comment