GINISANG PUSIT AT SITAW RECIPE

Nung namalengke ako, nakakita ako ng pusit kaya ayan bili na naman kahit na hindi ko alam kung anong luto ang gagawin ko, kasi hindi ako masyadong magaling sa pagluto ng adobong pusit eh, hindi ko makuha ang lasa nung luto ng tatay ko huhu. 

Kaya nilagay ko muna siya sa ref, at kinabukasan saka ko na lang inisip kung anong luto dun. Eh bumili ako ng sitaw, bahala na. 

Pero sa in fairness ha, first time ko itong lutuin sobrang nagustuhan ko, namin pala. ang sarap niya simpleng simpleng ulam lang siya pero sobrang sarap. Gulay lang to ha, baka isipin nyo steak hihi, wala ako niyan.!

Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng  naaayon sa aking panlasa. 


Ginisang Pusit at Sitaw 

Ingredients:
  • 1/2 kg pusit (medium size)
  • 2 tali ng sitaw
  • 1 pc red bellpepper
  • onion and garlic
  • siling haba 
  • 3 to 4 tbsp oyster sauce
  • salt and pepper
  • canola oil
Procedure:
  • Linisin mabuti ang pusit, tanggalin ang tinta at yung plastic sa loob niya. Hiwain ng tama lang ang laki.
  • In a pan, igisa ang onion and garlic. Idagdag ang pusit at igisa. Isunod na din ang sitaw, bell pepper and sili.Hindi ko sya nilagyan ng tubig kasi magtutubig yung pusit.
  • Timplahan ng oyster sauce, salt and pepper. Simmer ng ilang minuto hanggang sa maluto ang gulay. Then serve. 

Yung oyster sauce na gamit ko pala yung Mama Sitas oyster sauce na less sodium, masarap siya kasi hindi siya maalat at manamis namis pa. 

Pramis, kapag natikman mo to masasarapan ka din... sana.... hmm baka depende din sa panlasa mo. Kasi ako halos pinapak ko na yan...



Simpleng ulam pero masarap di ba, at nakakabusog sa pamilya. 

Comments