Kapag tapos ka na sa gawaing bahay, siguradong gutom ka talaga. Kaya parati akong may stock kahit papano ng merienda. Kung hindi saging, na paborito kong iprito at camote. Palagi din may sandwich kahit papano. Kaya lagi din ako gumagawa ng spread.
Ang isa sa simpleng gawin ay tinapa dip/spread. Murang mura lang at masarap siya i-dip sa camote o sa crackers habang nanonood ng tv. Kapag magluto ka ng monggo na may tinapa, itabi mo na ung isa para makagawa ka ng dip. 30 pesos na kasi ang isang balot ng tinapa eh, kaya gumagawa lang ako nito kapag may ulam kaming tinapa.
Gawa tayo ngayon kasi may tirang tinapa hihi, tsaka meron ding camoteeee,.
Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa.
Camote with Tinapa Dip/Spread
Ingredients:
- camote (hiwain ng pahaba na hindi masyadong maliit)
- 1 pc tinapa (after iprito himayin)
- 1 cup mayonnaise (pwede dagdagan, depende sayo)
- onion (wag ubusin yung buo para hindi matapang, hiwain ng sobrang maliliit)
- celery (hiwain ng maliliit din)
- salt and pepper
- konting lemon juice (1 tbsp)
- sweet pickles (mga 2 kutsara)
- basil (optional lang naman, dried basil ang nilagay ko po)
Procedure:
- Preheat oven to 350 degrees celsius. Sa isang bowl, lagyan ng konting salt at olive oil ang camote. Ilagay sa baking tray with parchment paper or aluminum foil. Bake for 20 to 25 mins, baliktarin ng isang beses ha. (Para mas madali, iprito na lang ang camote hihi, pinahirapan ko lang sarili ko at kayo hahaha).
- Sa isang medium bowl, ilagay ang tinapa, onion, celery, sweet pickles and lemon juice. Lagyan ng mayonnaise at haluin ng mabuti. Timplahan ng salt and pepper at lagyan din ng konting basil.
- Ihanda na ang camote o crackers.
Ayaaannn, may merienda na tayo. Pinalaman ko din sya sa toasted bread haha. Masarap siya papakin at hindi nakakaguilty kainin, di ba. Healthy naman ah...!
Pwede mo din dagdagan ng egg, kung gusto mo it depends sayo na lang kung ano pa idagdag mo. Yan lang kasi ang ginagawa ko kasi simple lang ang ingredients, pero in fairness masarap siya.
Merienda po kayo...! Naubos ko yan.... gutom eh... kulang pa nga, di bale ilagay mo lang sa ref ang dip at bili uli ng camote haha.
Have a nice day sa lahat...!
Comments
Post a Comment