SINIGANG NA ULO NG SALMON RECIPE

Soooobrang paborito ko ang salmon na isda.. Unang beses ko siyang natikman sa Davao tuna grill sa Tiendesitas, sinigang na ulo ng salmon, grabe unang tikim ko pa lang sarap na sarap na ako. Malinamnam talaga ang lasa niya. Kaya tuwing nagpupunta kami dati sa tiendesitas, eh hindi nawawala ang sinigang na salmon. Halos kaya ko nga ubusin yung isang ulo eh hihi. 

Nung hindi na kami masyado nagpupunta dun, ayun sa palengke na lang ako naghahanap ng salmon, mabuti na lang palaging meron tsaka mura pa siya kesa kung kakain ka  sa labas, mahal eh bili ka na lang ng ulo tapos lutuin mo di ba. 

Kahit araw araw siguro akong kumain niyan, hindi ako magsasawa kasi yan ang paborito kong ulo hihi. Minsan naman nagbabake din ako ng salmon, pero sa mga susunod na yun ha palaging ubos eh.. 

Sino ba naman ang aayaw sa sinigang di ba.!

Notes: My cooking doesn't have exact measurements of ingredients, kumbaga tantiya tantiya lang ng naaayon sa aking panlasa. 


Sinigang na Ulo ng Salmon

Ingredients:
  • 1 ulo ng salmon
  • 2 tali mustasa
  • 1/2 sayote (may tira kasi kaya hinalo ko na din)
  • onion
  • garlic
  • tomatoes
  • ginger
  • sinigang mix
  • siling haba
  • salt and pepper 
  • a pinch of sugar
  • canola oil
  • water
Procedure:
  • Saute onion, garlic, tomatoes and ginger. Add the salmon (isang beses lang baliktarin para hindi siya madurog. Ginigisa ko siya para tanggal lansa din).
  • Add water and sinigang mix. Pakuluan. 
  • Timplahan ng salt and pepper and a pinch of sugar. Ilagay na ang sayote. 
  • Then last ung mustasa.

Nakaready na ba ang bowl. Ayan, luto na po.



Sa tabi nyan ang isang kalderong kanin. Bwahahaha, walang diet sa panahon ngayon. Churiiii....

Kain po tayo mga dai..!

Comments